top of page

TUNGKOL SA 'LITTERA'

Featured Review

Magandang araw at maligayang pagbati mula sa mga nakibahagi sa paggawa ng blogsite na pinamagatang "Littera: Letra't lathala ng madla"! Sa inyong patuloy na pagbasa sa aming pinagsumikapang blogsite, nais namin kayong pasalamatan sa patuloy na pagtangkilik sa panitikang pilipino; kaalinsabay nito, nais naming bigyan kayo ng maikling introduksyon na magbibigay buod sa aming blogsite.

Ang aming blogsite ay pinamagatang littera bilang pagbibigay repleksyon sa pinagmulang salita ng 'literature' -- littera na sa di kalauna'y kinilala bilang letra o titik na pinagmumulan o pinag-uugatan ng bawat akda. Ang bawat titik, salita, pangungusap o akdang inyong masisilayan ay mula sa aming karanasan bilang bahagi ng ating bansang sinilangan. Mga kuwentong pag-ibig ukol sa pamilya, bansa, sarili, at kapwa pilipino.

Tag Cloud

Join my mailing list

LITTERA

"Letra't lathala ng madla"

Kami bilang mga mag-aaral ay tunay na nagagalak na ibahagi sa inyo ang kahalagahan ng panitikan sa atin-- sa bawat isa. Sa pamamagitan ng blogsite na ito, naway muling mabuksan ang inyong isipan sa tunay na diwa ng ating pagkapilipino, sa isip, salita at sa gawa. Naway ito'y magsilbing ugat at inspirasyong maibibigay namin sa inyo upang patuloy nating pagyamanin ang ating kultura't kinagisnan. Inaanyayahan namin ang lahat na simulan na ang pagsulat ng iba't-ibang akda at ibahagi sa aming pangkat upang mabigyang pansin ang inyong akda. Muli, mula sa aming lahat na bahagi ng 'Littera: letra't lathala ng madla, maraming salamat at magandang araw sa inyong lahat!!

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page