top of page

MGA MYEMBRO

01

Vhea Dayuta Ballesteros

Si Vhea D. Ballesteros ay labing-anim na taong gulang pa lamang, ngunit sa murang edad ay kinikilala na dahil sa kanyang mga akdang pampanitikan tulad na lamang ng mga sanaysay, 'villanelle' , tula, at maging parabula. Kakikitaan sa kanyang mga akda ang iba't-ibang paksang tumatalakay sa pamilya, pagkakaibigan, pagmamahal, isyung kinakaharap ng ating bansa at mga pagsubok na maaaring dumating sa ating buhay at sa ating pagkilala sa ating sarili. Siya ay kasalukuyang mag-aaral ng Mary Immaculate Parish Special School : sa ika-sampung baitang. Ilan sa kanyang mga akda ay pinamagatang 'Maskara' na tungkol sa pagkubli ng tunay na saloobin ng isang tao dahil sa takot na baka siya'y husgahan ng maraming tao; '1000 Kandila para sa mga biktima ng laban kontra droga", “Pamahalaan,Paaralan,Pamayanan”,“ Piso kada salita,sapat ba sa 1000 pesos na halaga? “ na tungkol naman sa isyung kinakaharap ng bansa, at mga tula tulad ng 'Distansya' na ukol sa pagmamahalang sinubok ng milya-milyang layo; 'Sana Ako Nalang Siya' na ukol sa pagmamahalang nagmula sa kapabayaan ng isang lalaki , at higit sa lahat ay ang villanelle na pinamagatang 'Kapag Sinabi Kong Mahal Kita' na kanyang iniaalay sa kanyang minamahal.

 

02

Marilag Adviento

 

Si Marilag Adviento ay isang mag-aaral mula sa paaralang Mary Immaculate Parish Special School. Nag-iisa itong anak at naging "hobby" niya ang pagsulat ng mga panitikan sa tuwing nagmumuni-muni siya sa kanilang bakuran. Ilan sa mga nagawa niya ay ang "Tumingin ka Muna sa Salamin" at "Ang Laro ng Pagmamahal".

 

03

Giana Gabrinao

 

Si Giana Gabrinao ay 16 na taong gulang at nasa ika sampung grado sa paaralan ng Mary Immaculate Parish Special School, ang kanyang mga ispesyalisasyon ay ang mga nasa aspekto ng arts. Ang pagkanta, pagsayaw, pagarte, pagguhit, at pagsulat ay ang kanyang mga hilig gawin. Isa sa kanyang mga nagawa ay ang villanelle na ang pamagat at " Malaya ka na, pero ako nakakulong parin "

 

04

Celine Mae Abainza

Si Celine Mae Abainza ay isang simpleng estudyante lamang na nag-aaral sa Mary Immaculate Parish Special. Hilig niya ang pag-sasayaw, pag-aaral at ang pag-babasa ng mga libro. Kaya sa katagalan nahiligan na din niyang mag-sulat tungkol sa mga bagay-bagay. Ang ilan sa mga akda niya ay ang “Alamat ng Oras” at ang tulang “Ang ating Pag-ibig”.

 

05

Ysabelle Flores

Si Ysabelle Flores ay labing anim na taong gulang na mag aaral ng Mary Immaculate Parish Special School, siya ay may hilig sa pagbabasa at karamihan ng kanyang oras ay napupunta sa pagbabasa. Mahilig rin siyang mag sulat ng mga parabula, mga kwento, at mga tula na kadalasang hinahango niya sa kanyang imahinasyon, at isa sa kanyang gawa ay ang villanelle na pinamagatang "Ang Aking Reyna" na inihandog para sa kaniyang ina.

 

06

Vanessa Albano

 

Si Vanessa Mae A. Albano labing anim na taong gulang na nag aaral ng Mary Immaculate Parish Special School na nasa ika sampung grado ang hilig niya ay kumanta at magsulat ng maikling kwento na sumasalamin sa pag-ibig at pagkakaibigan. ang kaniyang mga nagawang akda ay ang villanelle na pinamagatang "Pusong sugatan,hindi susuko!" At ang dalawang maikling kwento na pinamagatang"Siya naging daan patungo sa tamang daan" at "Mahal kong kaibugan, tatanggapin ko na"

 

07

Evan Mercado

 

 

Si Evan Mercado ay labing limang taong gulang na mag aaral ng Mary Immaculate Parish Special School na nasa ika sampung grado siya ay mahilig mag basketball at matulog ang kaniyang mga nagawang akda ay ang villanelle na pinamagatang "walang katapusang pagpapanggap"

 

Featured Review
Tag Cloud

CONTACT

US

Tel. 123-456-7890

Fax. 123-456-7890

500 Terry Francois Street, 
San Francisco, CA 94158

VISIT

US

Monday - Friday: 11.00 - 18.30

Saturday: 11.00 - 17.00

Sunday: 12.30 - 16.30 

 

TELL

US

Success! Message received.

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page