Mahal kong kaibigan, tatanggapin ko na.
![](https://static.wixstatic.com/media/e679ee_b4d388b3cb9843e78924967211080436~mv2.jpg/v1/fill/w_299,h_168,al_c,q_80,enc_auto/e679ee_b4d388b3cb9843e78924967211080436~mv2.jpg)
Maikling kwento na pinamagatang “ Mahal kong kaibigan, tatanggapin ko na.” tungkol sa hindi kanais nais na pangyayari na dumating sakaniyang buhay na nagpahirap sakaniyang tanggapin na wala na ang kanyang kaibigan.
Ako ay may isang matalik na kaibigan, kaibigan na nagbigay ng kahulugan saaking buhay ako man ay nag-iisa na lamang, hindi kalian man niya ako iniwan saaking paglalakbay naging tulay rin siya upang mabuo man ang kulang saaking saaking buhay. Ako’y matagal ng nangungngulila sa mga bagay na ako ay may kulang ngunit ito’y pinuna ng aking kaibigan ng walang kapalit mula saakin. Ako’y ma swerte na mayroon akong tulad niya kasanga at naging kapatid ko na, kung wala siya baka wala ako ngayon saaking kinatatayuan ngunit tila ay biglang naglaho na ang lahat ng mawala siya. Ilang araw na rin ang nakalipas hindi ko parin matanggap na wala na ang aking kaibigan, wala na ang dahilan upang magpatuloy pa, sa panahon ito ay hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman para ba akong napuno ng tinik sa aking dibdib sa halo halo ng aking nararamdamn ng mawala ka aking kaibigan. Hanggang ngayon inaalala ko pa rin ang mga masasayang araw na nakasama ko pa siya habang kami ay nangangarap saaming magiging hinaharap. Napakasakit kaibigan, masakit mawalan ng matalik na kaibigan at bakit kong kalian malapit na natin maabot an gating pangarap doon ka pa naglaho na para bang bula na hindi mo man lang pina-abiso saakin para hindi ako nagulat ng ganito. Ang hirap tanggapin kaibigan dahil hindi pa ako handa at dahil naglihim ka rin saakin ng ganitong bagay at ika’y nangako saakin na hinding hindi ka magtatago saakin ng kung ano man ngunit ano pang magagawa ko kong wala ka na kaibigan, ang magagawa ko na lamang ay tanggapin at ipagpatuloy man ang iyong naiwan, dahil alam kong masaya ka na riyan. Hindi ditto magtatapos ang paglalakbay natin aking kaibigan, masakit man pero tatanggapin.