top of page

Ang Ating Pag-ibig


Sa mundong ito na walang kasiguraduhan

Paano ka nakakasiguro na di ka niya iiwan?

Paano ka nakakasiguro na di ka niya sasaktan?

Paano kung di kayo ang nakalaan?

Tila bigla na lang nagbago

Ang dating pagmamahalan napuno na ng tampo

Ng galit, ng di pagkakaunawaan, ng gulo

Ng away na di alam kung paano ito nabuo

Paano kung pagkagising mo

Wala na siya sa tabi mo

Ang taong pinaglaanan mo ng panahon

Ay para bang itinapon sa kawalan ang inyong relasyon

Saan ba ako nagkulang? Saan nagkamali?

Bakit ang iwan ako ay ganun lang kadali?

Bakit ako pa ang iyong napili?

Bakit ako pa ang iyong ginusto?

Kung sasaktan mo lang din pala ako ng husto

Lahat ng bagay kukwestyunin

Pati sarili ay tatanungin

Kung ano ang dapat gawin

Para ika’y bumalik na sa akin


Featured Review
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page