top of page

ANG PAGBABAGO


May dalawang matalik na magkaibigan at ‘yon si Aleks at Luis. Sila ay matulungin, kaya pag sila ay nangangailangan sila ay tinutulungan din nung mga taong tinulungan nila. May isang babaeng hindi kagandahan ang ugali at ‘yon ay si Chelsea. Si Chelsea ay hindi tumutulong sa mga tao at lagi n’yang binu-bully ang mga batang ka-edad o mas bata sa kanya.

Takot ang mga bata kay Chelsea kaya kahit ayaw nilang tulungan ito ay tinutulungan na lamang nila ito dahil baka saktan sila ni Chelsea, nalaman ito nila Aleks at Luis kaya bilang mabubuting estudyante kinausap nila si Chelsea ngunit makalipas ang ilang araw wala pa rin pagbabago sa ugali ni Chelsea.

Kinausap ni Aleks at ni Luis ang mga batang takot kay Chelsea at sinabi nila na ‘wag silang matakot na magsabi ng “hindi” sa mga pinapagawa ni Chelsea dahil kapag patuloy na pumayag ang mga batang takot kay Chelsea, hindi titigil si Chelsea sa pagiging pala-utos o pagiging bully niya.

Ginawa ng mga bata ang sinabi ni Aleks at ni Luis. Dahil sa masamaang ugali ni Chelsea, wala siyang mga kaibigan kaya wala siyang ibang malapitan. Hindi alam ni Chelsea ang gagawin niya kaya nilapitan na niya sila Aleks at Luis upang magpatulong, ngunit, hindi marunong si Chelsea makipag-usap ng maayos dahil nga ang kaniyang ugali ay hindi kagandahan.

“Hoy Aleks” yan ang sinabi ni Chelsea kay Aleks at nginitian lamang ito ni Aleks at sinabing “oh ikaw pala Chelsea, anong kailangan mo at naparito ka?” umirap lamang si Chelsea dahil sa kabaitan ni Aleks sa kanya, mas lalong napangiti si Aleks at tinawag niya si Luis dahil parang alam na ni Aleks ang pakay ni Chelsea sa kanila.

Bumulong si Aleks kay Luis at sinabi ni Aleks ang kaniyang naisip na dahil kung bakit lumapit si Chelsea sa kaniya Napangiti naman si Luis dahil mukhang tama nga ang naisip ni Aleks na dahilan. “Ano ba pinagbubulungan niyong dalawa diyan?” mataray na tanong ni Chelsea sa dalawa. “Ano ba ang iyong pakay sa amin?” tanong ni Luis kay Chelsea. Nahihiyang sinabi ni Chelsea na gusto na niyang mag-bago at tumulong sa mga taong nangangailangan.

Napangiti naman ang dalawa at sumang-ayon sila na tutulungan nila magbago si Chelsea, at simula nung araw na iyon, si Chelsea ay naging matulungin at nagkaroon na rin si Chelsea ng madaming kaibigan at tinutulungan na din siya ng mga tao na hindi labag sa kanilang kalooban.

Kaya dapat tayo ay palaging tumutulong sa kapwa para kapag tayo na ang nangangailangan ay may taong handang tumulong sa atin, at iyon ang nakapag-udyok kay Chelsea upang siya ay magbago.


Featured Review
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page