top of page

Distansya


Naaalala ko pa bawat sandaling kasama ka, Mga kasiyahang di mapapantayan ng kahit na sino pa; Kalungkutang magkasama nating binalewala, Pagtatalong sumubok sa ating dalawa.

Madaming bagay ang sumubok sa ating katatagan, Mga taong minsa’y nagiging tutol sa’ting pagmamahalan; Mga bagay na minsan nating pinagtalunan, Ngunit lahat ng iyo’y ating napagtagumpayan.

Ang di lamang malinaw sa aking isipan, Bakit nagpadala ka sa’yong kahinaan? Bakit hindi mo nilabanan ang kalungkutan? Ngayon tulo’y puso’y sugatan at luhaan.

Bakit di mo manlang ako sinabihan, Na ako pala’y balak mong iwanan? Pag lisan mo sana’y napaghandaan, Nang sa ngayo’y isipa’y di naguguluhan.

Sa dinami-dami ng tao sa mundo, Bakit ikaw pa ang inibig ng ganito? Gusto kong malimot ka ng aking puso, Ngunit kailanma’y di naging madali ito.

Paano ko nga ba malilimutan ang tulad mo? Isang taong minsa’y nagbigay kulay sa mundo ko, Isang taong naging dahilan ng ngiti sa labi ko, Isang taong di nawala sa tabi ko.

Sagutin mo sana ang aking tanong giliw ko, Bakit ka nga ba biglang nagbago? Ako ba’y may pagkukulang sa iyo? O sadyang di ka lang marunong makuntento?

Sa lalaking minahal ko ng higit sa sarili ko, Siguro’y di tayo ang nakatadhana kay kupido, Siguro’y kailangan ko nang kalimutan ang nakasanayan ko. Salamat, natuto ako; Paalam mahal ko.


Featured Review
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page