top of page

Hustisya


Tama, tama ang tatay ni Chris, dahil walang hustisya ang pagkamatay ng kanyang anak. Tulad na lang mg pagkamatay ni Kian Delos Santos. Totoo nga ba na siya ay isang drug pusher? Sigurado ba ang mga pumatay kay Kian? Bakit? Bakit nila pinatay ang isang bata na walang kalaban-laban sa mga pulis na may baril? Alam ba nila ang magiging resulta ng pagpatay nila kay Kian? Sa tingin ko, hindi. Hindi nila inalam kung ano nga ba ang magiging resulta nito sa mga taong nagmamahal kay Kian. Hindi ba’t ang trabaho ng mga pulis ay mapanatiling ligtas ang ating lugar. Ngunit mas nakakatakot nang mapalibutan ng mga pulis sa panahon ngayon dahil mas marami pang naibahagi na problema ang mga pulis. Bilang isang estudyante, ako ay natatakot para sa aking buhay dahil kahit saan ako magpunta, pakiramdam ko ay hindi na ako ligtas.


Featured Review
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page