Isang bala lang
![](https://static.wixstatic.com/media/e679ee_59b0da2001f34d33ae4d4ba557fa84a2~mv2.gif/v1/fill/w_409,h_251,al_c,pstr/e679ee_59b0da2001f34d33ae4d4ba557fa84a2~mv2.gif)
Isang malugod na pag-bati sa lahat ng mga nandito, nawa’y may makuha kayong aral sa aking mga sasabihin. Isang bala lang para sa namatay, maliit ngunit nakakamatay. Nakakatakot hindi ba? Ngunit ano nga ang karapatan na tao lamang ang pumatay at mag-nakaw ng buhay ng iba? Di ko pa man naranasan mawalan ng dahil nabaril, subalit tumingin ka lamang sainyong paligid bakas ang iba’t-ibang pangyayaring ganito. Ano na nga ba ang nangyari saatin? Tila puro patayan at kamatayan ang aking nakikita, naririnig at nababasa. Nakakabahal hindi na bilang estudyante kundi bilang isang mamayan ng bansang ito, dahil walang pinipiling edad o itsura, mapalalaki man o babae. Kaya tama ang tatay ni Chris, kailangan ng hustisya para sa mga namatay, at hindi baril ang pumapatay kundi tao na hindi ginagamit sa mabuting paraan ang baril. Kaya’t gumising tayo at mag-kaisa upang buksan ang mga mata ng pamahalaan at imulat ang iba sa reylaidad na kailangan ng pag-babago!