top of page

Kapag sinabi kong mahal kita


Kapag sinabi kong mahal kita, Mithiin ko'y di ka na mawala, Ikaw ang hiling sa bawat tala. Ngiti sa mata'y di na mawala, Kaya't paniwalaan mo sinta, Kapag sinabi kong mahal kita. Mahal kita, walang pagdududa Mamahalin hanggang sa pagtanda, Ikaw ang hiling sa bawat tala. Tanging panalangin kay Bathala, Buksan iyong isip at maniwala, Kapag sinabi kong mahal kita. 'Di sapat itong bawat salita, Upang ipabatid, "mahal kita", Ikaw ang hiling sa bawat tala. Presensya mo'y nagpapaligaya Paniwalaan bawat salita, Kapag sinabi kong mahal kita, "Ikaw ang hiling sa bawat tala."


Featured Review
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page