Malaya Ka Na, Pero Ako Nakakulong Parin
Malaya ka na, pero ako nakakulong parin, Sa ating nakaraa, sa lahat ng pinagdaanan Sa mga ngiti, sa iyong labi. Naaalala mo pa baa ng mga pangako, tila ngayon ay nakapako Sa iyong mga labi, at buong puso mo idinidiin Nakalaya ka na, pero ako nakakulong parin.
Tila di mo ba iniisip, lahat ng sakrisipisyo’t sakit Na nadarama’y di madali, ngunit ako ngayon ay naghihintay muli Sa mga ngiti, sa iyong mga labi
Gaano karaming luha ang ibubuhos sa lupa, upang marinig ang himig ng damdamin? Sana nama’y iyong pansinin Nakalaya ka na, pero ako nakakulong parin.
Ang kahulugan nating dalawa sana’y di mawari, Hindi maniniwala sa sabi-sabi, At tuluyang tatabi Sa mga ngiti, sa iyong labi May araw na ako’y magpapahingang mahimbing Subalit hindi magbabago ang pagiging alipin Nakalaya ka na, pero ako nakakulong parin Sa mga ngiti, sa iyong labi.