Pagkamit ng aking pangarap
Aking pangarap na aabutin
Luha't pawis ang naging puhunan
Ito'y unti-unting tutuparin
Sisimulan sa aking sarili
Una ang pag-aral ng mabuti
Aking pangarap na aabutin
Mahirapan man walang sukuan
Sapagka't buo ang aking loob
Ito'y unti-unting tutuparin
Igugugol ang minuto't oras
Walang araw na pwedeng lumipas
Aking pangarap na aabutin
Walang laban na dapat sukuan
Humadlang man ang pangkalawakan
Ito'y unti-unting tutuparin
Balang araw may pagmamalaki
Galing mismo sa pinaghirapan
Aking pangarap ay aabutin
Ito'y unti-unting tutuparin