Pamahalaan, Paaralan, Pamayanan
Ang bawat komunidad ay binubuo ng iba’t-ibang taong may iba’t-ibang perspektibo at personalidad; madaming pagkakaiba , ngunit sa kabila ng bawat pagkakaiba’y may pagkakaisa---- pagkakaisang magsisibing susi sa pagtamo ng iisang bagay- ang pagbabago’t pag-unlad ng buong bansa.
Ang bawat pagbabago’t pagunlad ay nagmumula sa bawat komunidad na kung saan mayroong iba’t-ibang responsibilidad at katayuan ang bawat isa. Ang bawat paaralan ay nagsisilbing komunidad na kung saan ang kooperasyon at pakikisa ng bawat magulang ay lubos na kinakailangan upang makamit ang matibay na pundasyong magsisislbing susi’t gabay sa pagbabagong asam na makamtan sa paguugali’t pananaw ng kanilang mga anak. Kaalinsabay ng tungkulin ng paaralan ay ang pamahalaan-- ang pamahalaan ay ang siyang pinagmumulan ng bawat aksyon at pagbabago marahil ay sa kadahilanang sila ang nagtataguyod ng mga regulasyon at alintuntuning pianapalaganap at pinagbabatayan ng bawat komunidad.
Layunin ng ating pamahalaan na mapagbuklod-buklod ang bawat indibidwal sa kabila ng bawat pagkakaiba upang makamtan ang kapayapaan at kaligtasan sa loob ng komunidad at maging sa panlabas na sektor ng ating bansa. Sa kasalukyang panahon ,higit na binibigyang pansin din naman ang pagkikibaka laban sa droga; madaming laban na ang naipanalo,madaming aksyon na ang ginawa ng gobyerno, ngunit sa kabila ng bawat pawis at dugo, mga layuning minsa’y nabigo, ang tunay na susi sa pagbibigay tuldok sa isyung ito ay pagkakaisa’t komunyon ng bawat tao at bawat komunidad, sapagkat sa kabila ng paghihirap ng gobyerno upang maibsan ang suliraning ito, tanging tayong mamayanan rin lamang ang makapagbibigay tuldok sa bawat isyung kinakaharap natin sa mundo.
Pamahalaan ,paaralan ,pamayanan; tatlong magkakaibang tungkulin na kaakibat ay iba’t-ibang responsobilidad. Sa bawat sulok ,lupalop ng mundo, iisang bagay ang makapagbibigay tuldok sa bawat suliranin ng tao----- pagkakaisa’t komunyon tungo sa pagbabago. Ikaw ,ano na bang nagawa mo upang maipakita ang iyong pakikiisa sa komunidad at sa kapwa mo tao?.