top of page

Piso kada salita, sapat ba sa 1000 pesos na halaga?


Sa mundong punong-puno ng kaguluhan at di-pagkakaunawaan, dalawang magkaibang salitang katumbas ay higit pa sa inaakala ng medla; dalawang magkaibang salitang may iisang layunin ang panatilihin ang pagkakapantay-pantay ng bawat isa karapatan at kalayaan. 1000 lang ba ang halaga ng karapatan at kalayaan ng bawat isa ? Kung sasabihing piso ang halaga ng bawat salita , saan kaya makakaabot ang 1000 piso ng madla?

Karapatang mamuhay , kalayaan sa pagsasalita at pagkakapantay-pantay sa harap ng batas. Ilan ito sa mga binibigyang pansin ng ‘Commission on Human Rights ’ o CHR. Marami ang nagulantang matapos ipasa ng kamara ang suhestiyon na gawin na lamang 1000 piso ang pondo ng C.H.R sa susunod na taon. Mula sa Pilipino Star Ngayon, nauwi sa botohan sa 119-32 kung saan tinaguriang ‘Super Majority’ ang pumabor sa panukala, ngunit sa kabila ng naganap na botoha’y marami parin ang tumutuligsa sa naganap na panukala. Sa kasalukuya’y laganap ang patayan dahil sa laban kontra droga; laganap ang pagpatay sa kahit na sinong mapagbintangan ng pulisya. Karamiha’y nangagangamba na baka sa kanilang paglaya’y isang bala ang tatapos sa buhay nila. Hindi makatao ang ganitong kalagayan na tila kailanma’y di maalis ang tinik sa dibdib ng bawat isa sapagkat ginawa ang karapatan upang tayo’y proteksyonan habang kalayaan naman upang tayo’y pahalagahan.

Walang pinipiling edad ,estado sa buhay o kasarian ang karapatan ta kalayaang pinaglalaban ng CHR. Sa huli, ang CHR ang nagsisilbing boses ng mga taong taglay ay maliit na tinig na tila sa kanilang isipa’y di mapakikingan ng kahit na sinong nilalang. Ikaw, hahayaan mo bang 1000 piso lamang ang katumbas ng iyong karapatang mabuhay ng tama’t walang pangamba?.


Featured Review
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page