Pusong sugatan, hindi susuko!
Isang “Villanelle” na pinamagatan na “Pusong sugatan, hindi susuko!” tungkol sa pakikipagsapalaran ng pusong sugatan sakaniyang minamahal.
![](https://static.wixstatic.com/media/e679ee_4dd0220a4743404e8aac4a69c69e10b3~mv2.jpg/v1/fill/w_500,h_500,al_c,q_80,enc_auto/e679ee_4dd0220a4743404e8aac4a69c69e10b3~mv2.jpg)
Mahal ko punong-puno na ako,
Sa sakit na dinanas ko sayo.
Ikaw pa rin ang minamahal ko.
Sa kabila ng sakripisyo ko,
Iyong sinayang at binasura.
Mahal ko punong-puno na ako.
Bilis maglaho ang nakaraan,
Kung saan man tayo nagsimula.
Pero ikaw pa rin ang minamahal ko.
Kahit oras kaya mo sayangin,
Kahit ako kaya mo sayangin.
Mahal ko punong puno na ako.
Ang puso ko ay sukong-suko na,
Labag na saakin ituloy pa,
Pero ikaw pa rin ang mahal ko.
Tila ba ako’y nagkulang sayo?
Halaga ba’y mahirap ibigay?
Mahal ko punong puno na ako,
Pero ikaw pa rin ang mahal ko.