Siyang naging daan patungo sa tamang daan
![](https://static.wixstatic.com/media/e679ee_88328f30ad9e4e99b1df6fc2be265fc1~mv2.jpg/v1/fill/w_201,h_251,al_c,q_80,enc_auto/e679ee_88328f30ad9e4e99b1df6fc2be265fc1~mv2.jpg)
Maikling kwento na pinamagatang “Siyang naging daan patungo sa tamang daan” tungkol ito sa pag-ibig na nag daan na hindi inaasahang magtatagal.
Hindi madaling magmahal ng totoo kung minsan ka ng nasaktan ng nakaraan mo. Isa sa gamit na gamit na kataga. May isang babaeng nagngangalang Liyan, maganda, mabait at matalino. Hinahangaan siya ng kinararami. Mapagmahal na anak si Liyan kahit ang kaniyang mga magulang ay malabo ng magkabalikan muli at nagiisang anak sa pamilya. Si Liyan ay nagsimulang magbago o nag-iba ang kaniyang pananaw sa pagmamahal ng maghiwalay ang kaniyang mga magulang, simula noon hindi na siya naniniwala sa totoong pagmamahal lalo na’t ang kaniyang tatay ay may bago ng pamilya na lubosang hindi matanggap ni Liyan. Si Liyan ay ligawin ngunit hindi nagpapaligaw dahil ayaw niyang masaktan katulad ng kaniyang ina ngunit may matalik siyang kaibigan na lubusan niyang pinagkakatiwalaan sa lahat ng bagay at iyon si Ray mabait at matalino ngunit may pagkapilyo rin matagal na silang makaibigan ni Liyan, si Ray ang nagsilbing daan upang hindi malihis ng daan si Liyan. Noong mawala na ang tatay ni Liyan at hindi na muling nagpakita sakanila si Ray ang laging tinatakbuhan ni Liyan. Si Liyan ay malapit sakaniyang tatay, hindi niya nga inaakala na magagawa ito ng kaniyang tatay sakanila ito ang naging dahilan ng pagkabago ni Liyan. Ang Liyan noon ay bigla na lamang naglaho ngayon pati ang kaniyang nanay ay kanyang kinalimutan. Si Ray ay hindi nawalan ng pag-asa upang mabalik muli si Liyan sakaniya daan, upang ipagpatuloy muli ang kaniyang naiwang pangarap at paglalakbay, pinuna lahat ni Ray ang mga butas na nagdadahilan kong bakit nalihis ng daan si Liyan para maibalik muli siya sakaniya patutunguhan, sa ganoong paraan ni Ray pinaramdam kay Liyan ang kaniyang pagmamahal na matagal na niyang gusto sabihin pero gusto niya munang maibalik kong ano man ang nawala kay Liyan, kahit man lamang ang saya sakaniyang mga labi at matandaan niyang kahit man may kulang na parte sa sakaniyang buhay ay marami pa ring nagmamahal sakaniya, na normal lang o may tinatadhana talagang mawala saating buhay kahit iyan pa ay lubusan mong pinag-ingatan at minahal ng lubusan. Hanggang sa magtapat na si Ray kay Liyan na hindi inaasahan ni Liyan. Nang nagtapat si Ray kay Liyan ito’y lamang umiyak at nagpasalamat na namulat siya sa kaniyang kamalian at sa katagalan nila sa pagiging kaibigan doon napatunayan at naparamdam ni Ray ang tunay na pagmamahal na minsan ng nangulila at hindi naniwala si Liyan dahil sa isang pagkakamali ng kaniyang minamahal. Hanggang sa umangat ang kanilang pagiging kaibigan, naging ka ibig ni Ray si Liyan na nagtungo sila sa tamang daan na hindi nila inaasahan na magtatagal.