The Only Exception
![](https://static.wixstatic.com/media/e679ee_16bebbb596f8456283c5e86a2a3b596e~mv2.jpg/v1/fill/w_500,h_497,al_c,q_80,enc_auto/e679ee_16bebbb596f8456283c5e86a2a3b596e~mv2.jpg)
You know who you are,
Naalala ko pa nung una tayong nagusap. Nag-chat ka sakin noon, wala pa kaming ilaw kasi napundi yung bumbilya namin. Ang saya ko nung gabing iyon kasi noong una pa lang crush na kita. Kilig na kilig ako kasi nang matapos yung gabing iyon, araw-araw na tayo nagchat. Lalo pa akong sumaya noong nalaman ko na crush mo din ako. Sabi ko pa sa sarili ko noon hindi ako magbo-boyfriend, pero nung dumating ka nawala na lang yun ng parang bula.
Patago pa tayo noon kaya lagi tayong sa school nagde-date tuwing recess pati lunch. Ayaw kitang ipakilala sa pamilya ko noon, strict kasi parents ko, pero kahit minsan hindi mo hiningi sakin na ipakilala kita sa magulang ko kasi sabi mo re-respetuhin mo yung kagustuhan ko. Sa buong pagsasama natin pinasaya mo ako ng sobra. Nililibre mo ako, tinutulungan mo ako sa mga project na kailangan sa school, hinihintay mo ako kahit anong oras pa ako abutin sa pag-uwi. Ako naman yung tumutulong sayo sa pagaaral mo, minsan ako pa yung nanglilibre sayo. Araw-araw tayong magkasama malinan na lang sa Linggo. Kung nasaan ka, nandoon din ako, para tayong package deal. Noong mga oras na iyon, akala ko ikaw na talaga.
Pero dumating yung mga araw na masyado akong naging kampante na hindi mo ako iiwan. Naging demanding ako at puro sarili ko lang ang iniisip ko. Araw-araw tayong away-bati kasi nasasabayan ng mga pagkukulang mo yung pagka-mainitin ng ulo ko. Akala ko kakayanin mo kasi nangako ka na walang iwanan. Pero isang gabi, bigla ka na lang bumitaw.
Sobra kitang iniyakan, kahit anong makita ko, ikaw ang naaalala ko. May mga araw na akala ko okay na ako, pero kapag naaalala kita, bumabalik lang yung sakit at bigat sa pakiramdam ko. Kahit na sinabi mo saking ayaw mo na, tuloy pa din ako sa pag-asa na babalikan mo ako, kasi naniwala akong may nararamdaman ka pa din para sa akin.
At tama nga ang hinala ko.
Lumipas ang ilang buwan, nag-chat ka ulit sakin. Gabi din noon katulad noong unang beses mo akong kinausap gamit ang chat. Gusto mong makipag-balikan kasi sabi mo mahal na mahal mo pa din ako, sabi mo naguluhan ka lang dahil sa lagi nating pagaaway. Sabi ko pa sa sarili ko noon, kapag sinaktan ka na, huwag mo ng bigyan ng pagkakataong saktan ka ulit. Pero tinanggap pa din kita kasi gusto ko din namang maibalik yung relasyon natin, kaya bakit hindi?
Kaya ayun, sinubukan ulit nating pumasok sa isang relasyon. Naging mas responsible ka, kahit mayroong ka pa ring pagkukulang ay nakikita ko namang gumagawa ka ng paraan para mabawasan ang mga iyon. Ipinakilala kita sa magulang ko kaya hindi na tayo patagong nagde-date. Binawasan ko na din ang pagiging demanding ko at naging mas maintindihin ako, binigyan kita ng oras para sa mga sarili mong kagustuhan, hindi katulad ng pagkukulong ko sa iyo noon. Hindi na tayo nagaaway, at kung nagaway man tayo ay hindi na tayo nagkasakitan sa mga salitang lumalabas sating mga bibig.
Pero kahit na ganoon, ay may kulang pa din. At alam kong naramdaman mo din yun dahil nung araw na nakipaghiwalay ako sumangayon ka ng wala man lang reklamo at wala man lang tanong kung bakit.
Siguro nga infatuation lang ang naramdaman natin para sa isa’t-isa. Una sa lahat, masyado pa tayong bata noon, high school pa lang tayo pareho. Pangalawa, simula noong mawala ang kilig, nawala na din yung feelings natin. Matapos noon ay hindi na ako nag-expect ng kahit ano mula sayo. Sabi ko pa nga sa sarili ko, huwag mo ng ipilit kung wala na talaga. Pero hindi ko pa din sinarado ang puso ko sa posibilidad na maging tayo ulit dahil naniniwala ako na kung tayo, ay tayo talaga, hindi naman kailangang maging tayo agad kasi nga, ang tunay na pag-ibig ay nakakapaghintay.
At ngayon sobrang nagpapasalamat ako na pareho nating binuksan ang mga puso natin para magmahal muli. Now we are happily married, me, a CPA, and you, an Architect. You are the exception to all of my rules simula pa lang noong una. We never had the perfect relationship, but we have so much more than that.
To my first love, my true love, my only love,
It was always you, it has always been you and it will always be you.
MariaClara 2024 LOVE Las Piñas City