Walang katapusang pagpapanggap
![](https://static.wixstatic.com/media/e679ee_9de1798a08224669b7db20c35027ed24~mv2.jpg/v1/fill/w_502,h_650,al_c,q_80,enc_auto/e679ee_9de1798a08224669b7db20c35027ed24~mv2.jpg)
Walang katapusang pagtatanggap
Pag iintindi lang ang katapat sa
Walang katapusang paghihirap
Kahit sabihin mang mahirap o
Madali kailangan natin ng
Hindi nauubos na pagtanggap
Takbuhan man natin o harapin
Maaari nga bang takasan 'tong
Walang katapusang paghihirap?
Nandiyan siya o sa piling ng iba
Mahal ka o hindi kailangan ng
Hindi mapantayan na pagtanggap
Ituloy ba kung siya ay sumuko?
Bakit ba hindi tapusin itong
Walang katapusang paghihirap?
Tumingin sa taas at ngumiti.
Ama, pwede ba ang sumuko sa
Walang katapusang pagtatanggap
Sa 'di maubos na paghihirap?