top of page

Ang Pagmamahal


Ang pagmamahal ay isang laro Ang puso ang nagsisilbing bola Ang manloloko ay siyang panalo

‘Wag matakot sa mga pagsubok

Piliting kimkimin ang sakit Ang pagmamahal ay isang laro

‘Wag hayaang mahulog ang loob Itago ang buong pagkatao

Ang maloko ay siyang matatalo

Dagdagan ng isa pang pagsubok ‘Wag bibigay sa mga pangako Ang pagmamahal ay isang laro

‘Wag na ‘wag hayaan na matalo Aralin kung pano manakit Ang manloko ay siyang mananalo

Magtiwala lamang sa sarili

Wala ng dapat pang intindihin Ang pagmamahal ay isang laro At ang manloko ay siyang panalo


Featured Review
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page